Ang manoryalismo ay isang makaprinsipyong organisayon kumunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa Gitnang Kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain. Noong Gitnang Panahon, ang ekonomiya ay nakasentro sa sistemang manoryal. Ang sistemang ito ay hindi rin nagtagal ng mahabang panahon. Isa itong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari o pinuno, may-ari bilang kapalit ng proteksyon. Ang yaman ng paninoon ay mula sa pawi ng mga magbubukid. Ibinigay nila ang kanilang lupa kapalit ang proteksyon. Ang iba naman ay nawalan ng lupa dahil sa pagkakautang sa dugong-bughaw. Kinalaunan, napasakamay ng panginoon ang mga lupaing ito at bumuo ng isang manor. Ang manor ay lupaing sakop ng isang panginoong may lupa na binubuo ng kanyang kastilyo, simbahan at pamayanan na may 15 hanggang 30 pamilya. Ang bawat manor ay sentro ng gawaing panlipunan at pangkabuhayan ng bawat taong nakatira roon. Ang thre-field system ay hinati sa tatlong bahagi: taniman sa tagsibol, taniman sa taglagas at ang lupang tiwangwang.


Ayon sa aking natutunan, sa kanlurang Europe noong Gitnang Panahon, ang manoryalismo ay sistemang agrikultural na nakasentro sa mga manor. Tungkol lamang ito sa pinagaagawan nilang lupain. Pinangangasiwaan nila ang mga bukirin at parang ipinagdadamot ito sa mga manor. 

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento